Halos 100 bagong COVID-19 cases, nadagdag sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 95 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,127 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Martes ng gabi (September 29), 4,684 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 701 o 14.97 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 3,941 o 84.14 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Umakyat naman sa 42 ang mga residenteng nasawi o 0.90 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...