Baguio, muling nadagdagan ng 68 bagong kaso ng COVID-19

Umabot muli sa 68 residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso sa Baguio sa loob ng isang araw.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (September 29), umabot na sa 915 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

16 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 478 na ang total recoveries sa Baguio City habang 12 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 2,849 ang aktibo habang 3,145 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 9,963 na residente habang 19,230 ang nakatapos na.

Read more...