Nagbukas na ang isang modernong molecular diagnostic laboratory sa Pasay City na kayang maglabas ng swab test result sa loob ng 24 oras.
Kaya ng Lord’s Grace Industrial and Medical Clinic na mag-swab test ng hanggang 1,000 kada araw gamit ang kanilang highly computerized RT-PCR equipment.
May limang drive-thru swab test facilities sa compound ng laboratoryo at dalawa sa mga ito ay para sa mga residente ng lungsod at OFWs.
Nabatid na bukas ang pasilidad 24 oras at ito ay may tatlong doktor at 70 medical technologists.
Nagtungo si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pasilidad at aniya, malaking tulong ang maagang pagpapalabas ng resulta ng swab test.
Sinabi nito na lubos na makikinabang ang mga Filipino na paalis ng Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa dahil kailangan nila ng mabilis na pagpapalabas ng resulta ng kanilang swab test.