Ayon kay Sotto, iniluklok sa puwesto ng taumbayan si Pangulong Duterte at hindi niya dapat talikuran ang sambayanan.
Naniniwala naman ito na wala talagang intensyon na magbitiw sa puwesto ang Punong Ehekutibo dahil sa labis na pagkadismaya sa korapsyon sa gobyerno.
Samantala, ayon naman kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, sa halip na magbitiw, ang tanging kailangang gawin ng pangulo ay ipatupad ang mga batas kontra katiwalian hindi lang sa kanyang mga kaaway kundi maging sa kanyang mga kaibigan.
“Strong words and warnings may work but only when followed by concrete actions. There is no better way,” sabi pa nito.