COVID-19 recoveries sa Western Visayas, 7,009 na

Nagpositibo ang 199 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 29, umakyat na sa 11,413 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

4,161 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 71.83 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

142 naman ang gumaling pa kaya 7,009 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 243 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...