Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (September 29), 5,929 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,211 ang aktibo pang kaso.
92 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,701 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 17 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES