Mga naka-recover sa COVID-19 sa Navotas City, umabot na sa 4,546

Nasa pito ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Martes ng gabi (September 29), umakyat na sa kabuuang 4,898 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 212 ang aktibong kaso o katumbas ng 4.3 porsyento.

18 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,546 na ang total recoveries o 92.8 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 140 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...