Sa datos mula September 23 hanggang 28, umabot na sa 1,531 ang napaulat na gumaling sa nakakahawang sakit.
39 ang bagong naka-recover habang wala namang napaulat na nasawi.
Samantala, nasa 1,616 naman ang kabuuang bilang ng PCG personnel na tinamaan ng pandemya.
Sa nasabing bilang, 85 pa ang aktibong kaso.
Hanggang September 28, nakapagtala rin ng 21 kaso ng reinfection kung saan lima ang nananatiling aktibo at 16 ang gumaling na.
Tiniyak ng PCG na regular na tinututukan ang kondisyon nito.
Nagpasalamat naman si PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng PCG personnel na naapektuhan ng COVID-19.
Samantala, sinabi ng ahensya na nakatakdang makumpleto ang konstruksyon ng PCG quarantine facility na kayang mag-accommodate ng 224 frontline personnel sa October 5.
Makatutulong sa PCG Medical Service ang pasilidad upang mas mapabilis ang paggaling ng active COVID-19 cases sa ahensya.