Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 29, umakyat na sa 10,507 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 78 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,988 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
51 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,727 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, wala namang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, 792 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,097 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,198 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 809 naman ang kaso sa Americas at 1,403 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.