Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay walang iba kung hindi ang mga kalaban ng gobyerno.
Gayunman, hindi pinangalanan ni Roque ang mga personalidad sa likod ng #PaalamDuterte.
Ayon kay Roque, sila ang mga gahaman sa kapangyarihan at hindi na makapaghintay sa 2022 elections.
“Alam ako naman po kung sino iyong mga iyan. Alam ko po kung sino ang namumuno sa kanila. Alam naman natin kung sino ang kalaban ng gobyerno, iyong mga gahaman po sa kapangyarihan, iyong mga hindi makaantay sa 2022, iyong mga nawalan ng hanapbuhay dahil ginagawang hanapbuhay ang gobyerno. Hindi po ako nasu-surprise,” pahayag ni Roque.
Nag-trending sa Twitter ang #PaalamDuterte matapos sabihin ni Pangulong Duterte na nais na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa matinding korupsyon sa pamahalaan.
Pero ayon kay Roque, hindi magbibitiw sa pwesto ang Pangulo at sa halip, gugugulin ang huling dalawang taon sa paglilinis sa pamahalaan.