Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinagawa ng Taguig City Police Station, Southern Police District ang operasyon sa bahagi ng No. 7 Road 6 Manggahan Site Barangay North Daang Hari dakong 11:00 ng umaga.
Nag-ugat ang operasyon base sa iniulat na illegal drug peddling activiities ng drug suspect.
Naaresto ang drug suspect na si Racquel Arales alyas “Raquel,” 38-anyos na nakatira sa lungsod.
Nakuha ng mga awtoridad kay Arales ang siyam na pakete na naglalaman ng ng hinihinalang shabu, cell phone, coin purse, dalawang P100 peso bill at ginamit na buy bust money.
Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 139 gramo ang nasabat na ilegal na droga na nagkakahalaga ng P945,200.
Dadalhin ang ilegal na droga sa SPD Crime laboratory para sa confirmatory testing.
Sa ngayon, nakakulong ang drug suspect sa Taguig City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.