Ayon kay Garin, dahil sa sunud-sunod na dagok na dinanas ng sektor mula nang sumabog ang Bulkang Taal na nakasira sa mga tanim na sinundan pa ng community quarantine dahil sa pandemya.
Pinatataasan din nito ang demand ng consumption ng kape sa bansa sa pamamagitan ng pagkontrol sa domestic market upang makatulong sa pagbangon ng mga magsasaka sa halip na dumipende lamang sa mga inaangkat na kape.
Layunin ng House Bill 3598 na inihain ng kongresista na magbigay ng suporta sa coffee sector ng bansa na apektado rin ng pagbagsak ng ekonomiya dahil sa COVID-19.
Nakasaad sa probisyon ng panukala ang pagbibigay ng technical assistance para mapalago at mapaganda ang planting system at rehabilitation ng mga pananim ng kape sa bansa para sa epektibong produksyon.
Magtatatag din ng isang national program na magpapalakas sa industriya ng kape at maglalatag din ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang kapakanan ng mga coffee farmer.
Sa kasalukuyan ay nakasalang pa ang panukalang ito sa House Committee on Agriculture and Food.