Bayabas, Surigao del Sur nakaramdam muli ng aftershocks

Nakaramdam muli ng aftershocks ang Bayabas, Surigao del Sur Martes ng hapon.

Ito ay aftershocks ng tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa nasabing bayan noong September 21.

Ayon sa Phivolcs, yumanig ang magnitude 3.4 na lindol sa 79 kilometers Northeast ng Bayabas dakong 1:14 ng hapon.

Apat na kilometro ang lalim nito.

Sunod na tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa layong 99 kilometers Northeast ng naturang bayan bandang 2:14 ng hapon.

Isang kilometro naman ang lalim nito.

Ayon sa Phivolcs, kapwa tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Gayunman, hindi nagdulot ng pinsala sa nasabing bayan ang lindol.

Read more...