Ayon kay Villafuerte, hindi rin maramdaman na presensya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga nagaganap sa Kamara bilang dahilan kung bakit bigo itong makakuha ng suporta mula mga kapwa mambabatas sa gitna ng issue sa term-sharing agreement sa speakership post.
Tila hindi anya naging seryoso si Velasco sa pag-upo bilang susunod sanag lider ng Kamara, bukod pa sa wala pa aniya itong sapat na karanasan at kakayaan Kumpara kay Cayetano.
Pinuna rin ng kongresista ang pagiging “absentee congressman” ni Velasco, partikular na nang tinalakay ng Kamara ang ilan sa mga malalaking issue sa lipunan kagaya na lamang ng Anti-Terror Law, franchise application ng ABS-CBN, at Bayanihan 1 at 2.
Iginiit ni Viffafuerte na mahalagang may boses at paninindigan ang tumatayong lider ng Kamara, lalo na pagdating sa mga mahahalagang usaping panlipunan.
Ang pagkabigo aniya nito na makuha ang suporta ng mga kapwa nila mambabatas ay kagagawan lamang din ni Velasco.
Ginawa ni Villafuerte ang pahayag kasunod nang paglabas ng manifesto of support para kay incumbent Speaker Alan Peter Cayetano na nilagdaan ng 202 na kongresista.