BREAKING: Batanes nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

Naitala na ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.

Sa inilabas na pahayag ng Batanes COVID-19 Task Group, ang pasyente ay isang locally stranded individual na dumating sa lalawigan noong September 22.

Nagpositibo ito sa COVID-19 kahapon, September 28.

Ayon sa pahayag, walang sintomas ang pasyente pero nakasailalim ito sa striktong isolation sa Batanes Resort.

Lahat din ng natukoy na close contacts ng pasyente ay istrikto ding binabantayan ng Provincial COVID-19 Task Group.

Simula nang magkaroon ng pandemic ng COVID-19 ngayon lang nakapagtala ng kaso sa Batanes.

 

 

 

Read more...