Doc Rivers inalis na bilang coach ng LA Clippers

Matapos mabigong makapasok sa NBA Finals ang Los Angeles Clippers ay sinibak na ang head coach nito na si Doc Rivers.

Kinumpirma ni Rivers ang pag-alis sa Clippers sa pamamagitan ng tweet.

Sinabi ni Rivers na “disappointing” ang pagtatapos ng season para sa Clippers.

Ayon naman sa pamunuan ng koponan, mutual decision sa bahagi ng Clippers at ni Rivers ang pag-alis nito bilang coach.

Nagpasalamat din si team chairman Steve Ballmer kay Rivers sa mga naiambag nito sa koponan.

Ayon kay Ballmer uumpisahan na nila ang search at interview process para makakuha ng bagong coach.

 

 

 

Read more...