Biyahe ng LRT-1 ilang minutong naantala

Naantala ng ilang minuto ang biyahe ng LRT line 1.

Sa abiso ng LRT-1 alas 8:49 ng umaga ay nagpatupad ng 15 kilometer per hour na speed restriction sa biyahe ng mga tren mula Baclaran to Balintawak.

Ito ay dahil mayroong tren na nagkaproblema sa Pedro Gil Station Northbound.

Alas 8:58 sinabi ng LRT-1 na itinigil muna ang biyahe ng mga tren mula sa Baclaran to Balintawak.

Alas 9:01 naman ng umaga ay naayos na ang problema at naibalik na sa normal ang biyahe ng mga tren.

 

 

 

Read more...