Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, 20,855 na

Nagkaroon pa ng 28 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 28, 20,855 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,652 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 93 ang bagong gumaling kung kaya 17,934 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,269 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...