Higit 400 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 407 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (September 27), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (September 28).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 194 kung saan 80 ang adult habang 114 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 188.

Dalawa naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Read more...