Lanao del Sur, Marawi mananatili sa MECQ; Metro Manila, GCQ pa rin

Patuloy na ipatutupad ang modified enhanced community quarantine (ECQ) sa Lanao del Sur kabilang ang Marawi City simula sa October 1 hanggang 31.

Inanunsiyo ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi (September 28).

Mananatili namang nakasailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ), maging ang Batangas, Tacloban City, Iloilo City, Bacolod City at Iligan City.

Samantala, sasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang nalalabing bahagi ng bansa.

Read more...