Isa pang empleyado ng Kamara, nagpositibo sa COVID-19; Kabuuang bilang, nasa 83 na

Inquirer file photo

Tinamaan ng Coronavirus Diseas 2019 (COVID-19) ang isa pang empleyado sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa inilabas na pahayag ni House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, ang empleyado ay bahagi ng Medical and Dental Service.

Huli aniyang pumasok sa trabaho ang empleyado mula September 14 hanggang 18.

Sinabi ni Montales na nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Sa kabuuan, umabot na sa 83 ang confirmed COVID-19 cases sa Kamara kung saan 13 ang aktibo.

Read more...