139 residente sa Mandaluyong City, gumaling sa COVID-19

Napaulat ang 53 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:22, Lunes ng hapon (September 28), 4,556 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 518 ang aktibong kaso.

29 ang itinuturing na probable cases habang 1,476 ang suspected cases kung saan 15,152 ang cleared na.

139 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,892 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Umakyat naman sa 146 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...