61 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 61 pa ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (September 28), 5,812 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,185 ang aktibo pang kaso.

55 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,610 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...