Baguio, nakapagtala ng 68 bagong kaso ng COVID-19; Pinakamataas na single-day increase

Nasa 68 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang pinakamataas na naitalang bagong kaso sa Baguio sa loob ng isang araw.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (September 28), umabot na sa 847 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

22 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 462 na ang total recoveries sa Baguio City habang 12 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 2,819 ang aktibo habang 3,148 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 9,826 na residente habang 19,206 ang nakatapos na.

Read more...