Mga naka-recover sa COVID-19 sa Navotas City, umabot na sa 4,528

Nasa 10 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Lunes ng gabi (September 28), umakyat na sa kabuuang 4,889 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 223 ang aktibong kaso o katumbas ng 4.6 porsyento.

19 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,528 na ang total recoveries o 92.6 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 138 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...