Drug suspect, timbog sa buy-bust operation sa Cebu

PDEA RO7 photo

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Minglanilla, Cebu Lunes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa Sitio Taboan, Barangay Lower Calajo-an dakong 3:26 ng hapon.

Naaresto sa operasyon si Henry Paez San Miguel, 52-anyos na residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,040, buy-bust money at iba pang non-drug evidence.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban kay San Miguel.

PDEA RO7 photo
Read more...