Mga nagprotestang preso ng Makati City Jail, ginamitan ng water cannon

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsagawa ng noise barrage ang mga preso sa Makati City Jail kaninang madaling araw.

Nagsimula ang protesta ng mga preso alas 1:00 ng madaling araw kanina at kabilang sa mga inirereklamo ng mga bilnaggo ay ang talamak na bentahan ng droga sa kulungan, hindi maayos na pagkain at maling pagtrato sa ilang preso.

Ayon sa mga preso mismong empleyado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nagbebenta ng droga sa kulungan.

Pasado alas 2:00 ng madaling araw nang dumating ang mga tauhan ng BJMP Special Tactics and Response Team para pahupain ang sitwasyon na sinundan ng mga tauhan ng Makati Police.

Bagaman tumahimik na ang mga preso pagsapit ng alas 3:00 ng madaling araw ay muli na naman silang nag-ingay makalipas ang 30-minuto.

Doon na dumating ang truck ng bumbero na naglatag ng water hose at saka binomba ang mga nagpoprotestang bilanggo.

Napaulat na may nasaktang preso sa naganap na tensyon, pero walang ibinigay na kumpirmasyon ang pamunuan ng BJMP.

Read more...