“Vice-Mayor padrino ng drug pusher” sa Wacky Leaks ni Den Macaranas

den-macaranas1Buhay na buhay ang narco-politics sa isang bayan sa Bulacan dahil ang mismong Vice-Mayor doon ang tumatayong “protector” ng isang kilalang drug pusher.

Kamakailan ay inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police ang kilalang tulak ng droga na si “Oklab”.

Pero ilang oras pa lang siyang nananatili sa loob ng presinto ay kaagad na sumugod ang Bise-Alkalde kasama ang ilang mga municipal councilors at pilit na ina-arbor ang arestadong drug pusher.

Natural na hindi pumayag ang mga pulis dahil bukod sa nasa order of battle ang naturang tulak ay ilang linggo rin nila itong isinailalim sa surveillance tapos ay bigla na lang ipa-padrino ng ilang pulitiko?

Ano sila naloloko? Yan ang naging pahayag ng team leader na naka-aresto kay Oklab.

Hindi pa dito natatapos dahil sinamahan pa ng tropa ni Vice-Mayor ang nasabing tulak mula sa pagsasailalim sa medical check-up at drug testing.

Hanggang sa Office of the Provincial Prosecutor sa Bulacan ay well-escorted pa ng mga pulitiko ang naarestong loko.

Ang matindi dito, si Vice-Mayor kasama ang ilang mga Konsehan pa ang tumayong testigo ng inarestong pusher.

Sila daw ang magpapatunay na isang matinong tao si Oklab.

Kaya naman pala ganun kamahal ni Vice si Oklab ay dahil lider niya ito sa isa sa mga barangay sa kanilang bahaing bayan.

Ang Vice-Mayor na protector ng inarestong drug pusher sa kanilang lugar ay si Vice-Mayor M….as in Maasim mula sa bayan na kilala dahil sa kanilang sawsawan.

Read more...