Dalawa pang terminal ng Pasig Ferry, binuksan

Balik-operasyon na rin ang dalawa pang terminal ng Pasig River Ferry, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, bukas na ang terminal sa Hulo at Sta. Ana.

Nang magbalik operasyon ang river ferry, nilimitahan lang sa mga istasyon sa Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City at Lawton at Escolta sa Maynila ang operasyon.

Dagdag pa ng MMDA, tanging mga authorized person outside residence (APOR) lang ang maaaring makasakay sa Pasig Ferry service, samantalang mananatiling libre sa pasahe ang health and government workers mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Hindi rin maaaring makasakay ang mga walang suot na mask at face shield, bukod sa pagpapatupad ng ng health standards gaya ng physical distancing, temperature check at tanging ang mga nasa edad 21 hanggang 59 lang ang maaaring sumakay.

Kinakailangan din na sumagot sa manifest form at computer information sheet ang mga pasahero.

Read more...