Sinabi pa nito na ang mga evacuation center ay dapat ding naka-disenyo para maiwasan ang pagkakahawa-hawa ng iba’t ibang sakit ng evacuees.
“Dapat masigurado natin na ang mga pasilidad na ito ay COVID-19-ready at disaster resilient. Aksyunan na natin ito. Huwag natin hintayin na mangyari ang ating kinakatakutan na sabay-sabay ang kalamidad at pagtaas ng COVID-19 cases. Dapat laging handa tayo,” aniya.
Dagdag pa ng senador, “Huwag nating pahirapan pa ang mga kababayan nating naghihirap na dulot ng mga krisis at sakuna. Magmalasakit tayo sa kanilang kalagayan at alagaan natin sila sa panahong walang-wala na sila upang makabangon sila muli.”
Hinihikayat ni Go ang mga opisyal na magpatupad ng polisiya at health protocols sa evacuation centers.
Nangangamba ito na ngayong panahon ng bagyo ay lubusin na kailanganin ang mga lugar kung saan maaaring maging ligtas ang paglikas ng mamamayan.
Inihain nito ang Senate Bill 1228 o ang Mandatory Evacuation Center Act.