Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat at Frontal System sa ilang parte ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, umiiral ang Habagat sa Kanlurang bahagi ng Luzon.
Mayroon aniyang makakapal na ulap na magdudulot pa rin ng pag-ulan sa Palawan, kasama ang Kalayaan Group of Islands.
Ang mga nararanasang pag-ulan naman sa Batanes, at Babuyan Grooup of Islands ay dulot ng Frontal System.
Samantala, sinabi ni Rojas na dalawang bagyo ang binabantayan ng weather bureau sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Gayunman, papalayo aniya ang pagkilos ng dalawang bagyo at walang direktang epekto sa bansa.
Sinabi rin ng PAGASA na walang nakkitang sama ng panahon na posibleng mabuo sa teritoryo ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.