Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (September 28), umabot na sa 307,288 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 49,242 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,073 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.7 porsyento ang asymptomatic; 1.5 porsyento ang severe habang 3.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 37 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,381 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 163 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 252,665 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.