Biliran, niyanig ng magnitude 3.6 na lindol; Ilang intensities, naramdaman

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Kawayan, Biliran Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 7 kilometers Southwest ng Kawayan dakong 2:02 ng hapon.

11 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:

Intensity 3 – Naval, Biliran; Almagro, Samar

Instrumental Intensity:

Intensity 3 – Naval, Biliran;
Intensity 1 – Ormoc City

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...