1 patay sa sunog sa Marikina City

fire-defaultPatay ang isang babae matapos masunog ang tiangge sa B.G Molina Street, Barangay Parang, Marikina City.

Nakilala ang biktima na si Rebecca Bagiwon – 54 anyos.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Fire Officer 1 Leah Corpuz ng Marikina Fire Department, nagsmiula ang sunog kaninang alas 3:10 ng madaling araw at umabot lamang sa ikalawang alarma.

Ideneklarang fire out ang sunog alas 3:49 ng madaling araw.

Nabatid na dating playground ang lugar bago ito ginawang tiangge.

Ilan sa mga paninda sa tiangge ang mga kakanin at mga gamit sa bahay.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Marikina Fire Department kung saan nagsimula at kung ano ang sanhi ng sunog.

Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang nasunog.

Read more...