Poe, emosyonal sa desisyon ng SC

 

Edwin Bacasmas/Inquirer

Tagumpay nang maituturing ni Sen. Grace Poe ang pag-panig sa kaniya ng desisyon ng Supreme Court kaugnay sa disqualification case laban sa kaniya.

Ayon kay Poe, ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa kaniya, kundi pati na rin sa mga mahihirap at napag-iiwanan, pati na rin sa mga kababaihan.

Para sa kaniya, ang pag-abot niya sa puntong ito ay isa nang tagumpay dahil hindi nila ito inaasahan.

Samantala, ayon naman sa isang source ng Inquirer, naluha si Poe dahil sa labis na kagalakan nang malaman niya ang tungkol sa desisyon ng Supreme Court habang siya ay nasa harapan ng Quiapo church.

Patungo na si Poe sa isang aktibidad para sa International Women’s Day kahapon sa Maynila, nang bigla niyang maisipan na mag-simba muna.

Katunayan aniya ay hindi agad nakababa ng sasakyan agad si Poe para harapin ang mga taong naghihintay sa kaniya dahil namumugto ang kaniyang mga mata.

Binati naman siya ng ibang mga pulitiko, maging ang kaniyang mga kalaban tulad ng Liberal Party at ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Read more...