Sinuspinde ng korte sa Amerika ang utos ni US President Donald Trump na i-ban sa naturang bansa ang TikTok.
Nagpalabas ng temporary injunction si District Judge Carl Nichols at pinaburan ang kahilingan ng TikTok.
Dahil sa pasya ng korte, maari pa ring magamit at mai-download ang TikTok app sa US.
Una nang nagpatupad ng ban ang White House sa TikTok at tinawag itong national security threat dahil may kaugnayan ito sa Beijing government.
Sa naging pasya ng administrasyon ni Trump, pinapayagan pa ding magamithanggang Nov. 12 na lang ang TikTok pero bawal na ang panibagong downloads ng App.
Hindi naman pinabigyan pa ng korte ang hirit ng TikTok na suspindihin ang Nov. 12 ban ni Trump.
READ NEXT
Cebu City Hall of Justice isinailalim sa lockdown; isang tumestigo sa hearing nagpositibo sa COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES