Cebu City Hall of Justice isinailalim sa lockdown; isang tumestigo sa hearing nagpositibo sa COVID-19

Sarado simula ngayong araw ang Hall of Justice ng Cebu City.

Ito ay makaraang isang law enforcer na tumestigo sa court hearing ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang nasabing pasyente ay dumalo sa court hearings bilang testigo sa isang kasong kriminal noong Sept. 21 at 22.

Ang pagsasara sa buong hall of justice ay simula ngayong araw, Sept. 28.

Ayon kay Cebu City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Macaundas Hadjirasul, tatagal ng dalawang araw ang physical closure ng Courthouse para makapagsagawa ng disinfection.

Paiiralin muna ang work from home sa hall of justice.

 

 

Read more...