Davao City Mayor Sara Duterte naghain ng leave of absence

Naghain ng isang linggong leave of absence si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang leave ng alkalde ay epektibo ngayong araw, September 28.

Kasabay nito ay itinalaga niya ang kapatid niya na si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang acting mayor.

Tatagal hanggang October 5 ang leave ni Mayor Sara.

Sa pahayag ng Office of the City Mayor ng Davao City, may out of town trip si Mayor Sara para sa medical purposes.

Wala namang inilabas nang ibang detalye tungkol sa gagawing pagpapagamot ng mayor.

Sa kabila ng paghahain ng leave of absence, tiniyak ng Office of the Mayor na mananatili itong present online para sa mga kailagang tapusin sa kaniyang tanggapan.

 

 

 

Read more...