Alaminos, Pangasinan niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers northeast ng Alaminos City, alas-5:52 madaling araw ng Lunes (September 28).

May lalim na 63 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...