Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 111 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-5:30 madaling araw ng Lunes (September 28).
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.
Nauna ng niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lugar kaninang alas-2:29 ng madaling araw.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na pagyanig sa lugar noong September 21 sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES