Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang western section ng Luzon.
Habang intertropical convergence zone naman o ITCZ ang umiiral sa buong Mindanao.
Dahil sa Habagat, ang buong palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Dahil naman sa ITCZ, maulap na kalangitan din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Caraga at sa Davao Region.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon na may tsansa lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na tatlong araw.
READ NEXT
Pagkulog at pagkidlat na naranasan kagabi sa Agoncillo, Batangas walang kinalaman sa Bulkang Taal – PHIVOLCS
MOST READ
LATEST STORIES