Consular office ng DFA sa NCR-East, sarado sa Sept. 28

Sarado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa NCR-East (SM Megamall) sa araw ng Lunes, September 28.

Sinabi ng kagawaran na ito ay para sa isasagawang disinfection at ipatutupad na iba pang preventive measures laban sa COVID-19.

Inabisuhan namam ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng ncreast.so@dfa.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula September 29 hanggang October 29, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon).

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Tacloban sa pamamagitan ng email: ncreast.so@dfa.gov.ph

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang NCR-East sa Martes, September 29.

Read more...