12 provincial bus routes sa Regions 3 at 4A, bukas na sa Sept. 30

Bubuksan na ang 12 modified provincial Public Utility Bus (PUB) routes simula sa September 30, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa inilabas na Memorandum Circular 2020-051, papayagan nang bumiyahe ang mga bus na mayroong valid Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity.

Kinakailangang nakarehistro rin sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang kabilang sa MC ng walang Special Permit (SP).

Bibigyan ng QR Code ang bawat operator at kailangan itong i-print sa short bond paper at ilagay sa PUB unit. Maaaring ma-download ang QR Code sa website ng LTFRB na:
https://ltfrb.gov.ph/

Kailangan ding maglagay ng operators ng Global Navigation Satellite System upang matutukan ang biyahe ng mga bus.

Narito ang mga bubuksang provincial bus routes:
1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
3. Lemery, Batangas – PITx
4. Lipa City, Batangas – PITx
5. Nasugbu, Batangas – PITx
6. Indang, Cavite – PITx
7. Mendez, Cavite – PITx
8. Tagaytay City, Cavite – PITx
9. Ternate, Cavite – PITx
10. Calamba City, Laguna – PITx
11. Siniloan, Laguna – PITx
12. Sta. Cruz, Laguna – PITx

Para naman sa mga pasahero, kailangang dalhin ang mga sumusunod upang payagang makabiyahe sa bus:
1. Travel Authority/Pass mula sa PNP sa terminal na panggagalingan ng pasahero
2. Valid ID na may kalakip na importanteng impormasyon ng pasahero tulad ng Address/Place of Origin, Edad, at Lugar kung saan nag-aaral o nagtatrabaho
3. Written Consent na pumapayag ang pasahero na sumailalim sa COVID-19 testing o magpa-quarantine sa terminal na pinagmulan at/o huling destinasyon sakaling ito ay kailanganin ng LGU
4. Iba pang mga dokumentong kailangan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at local government unit.

Samantala, sinabi rin ng LTFRB na kailangang istriktong sundin ng mga drayber at pasahero sa bus routes ang panuntunan ng IATF-EID kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, paggamit ng alcohol at sanitizer, at pagsunod sa 1-meter physical distancing.

Bawal din ang pagkain, pag-inom at pakikipag-usap sa kapwa pasahero o cellphone sa loob ng bus.

Paalala pa ng ahensya sa mga pasahero, kailangang kumuha ng trip ticket dalawang araw bago ang biyahe o mas maaga pa gamit ang online facility o sa mismong bus terminal.

Babala ng ng LTFRB sa mga PUB, sinumang lumabag sa mga probisyon ay papatawan ng kaukulang parusa at multa, at maaaring tanggalan ng CPC o PA.

Read more...