46 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nadagdagan pa ng 46 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (September 27), 5,751 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,178 ang aktibo pang kaso.

56 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit kung saan isa ang na-readmit.

Dahil dito, 4,556 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 17 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...