Dasmariñas City Hall, isasara ng pitong araw para sa disinfection

Pansamantalang isasara ng pitong araw ang Dasmariñas City Hall sa Cavite.

Ayon kay Mayor Jenny Austria-Barzaga, ito ay para sa isasagawang malawakang disinfection.

Isasagawa ang disinfection sa Dasmariñas City Hall mula September 28 hanggang October 4.

Sinabi ng alkalde na layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga residente at iba pang indibidwal na may transkasyon sa lugar.

Magbabalik naman ang serbisyo ng Dasmariñas City Hall sa Lunes, October 5.

Read more...