297 agrarian reform beneficiaries, nabigyan ng CLOA

Aabot sa 297 na agrarian reform beneficiaries ang nabigyan ng certificate of land ownership award ng Department of Agrarian Reform.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, galing ang mga magsasaka sa bayan ng Cutapo at Talavera sa Nueva Ecija.

Nabatid na aabot sa 364 land titles o katumbas na 192.62 na ektaryang lupa ang naipamahagi sa mga magsasaka.

Binigyan din ng DAR ng tseke ang iba’t ibang agrarian reform beneficiaries organization na nagkakahalaga ng P20 milyon bilang seed capital assistance para sa rice retailing project, agri-farm input project, at technical skills development.

“Hangad namin na sa tulong ng lupang ito, at ng mga social at support services na ipagkakaloob ng DAR at ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ang inyong pamumuhay ay aangat,” pahayag ni Castriciones.

Read more...