Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 26, umakyat na sa 10,433 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 78 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,989 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Siyam naman ang bagong gumaling kung kaya 6,654 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, apat naman ang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, 790 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,074 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,179 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 808 naman ang kaso sa Americas at 1,372 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.