Nai-deliver na ang karagdagang kagamitan para sa inaayos na ikalawang molecular laboratory ng Sta. Ana Hospital.
Ayon sa Manila Public Information Office, kasama rito ang High Efficiency Particulate Air (HEPA) filter o Bag-In at Bag-Out filter na ginagamit sa pagkuha ng mga virus at bacteria.
Makatutulong anila ito upang matiyak ang kaligtasan ng medical workers ng naturang ospital.
Nakatakdang ilunsad ang ikalawang molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital.
Inaasahang makatutulong ito upang mapataas ang testing capacity ng Lungsod ng Maynila.
MOST READ
LATEST STORIES