BREAKING: Kaso ng COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa higit 300,000

Hindi muli bababa sa 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (September 26), umabot na sa 301,256 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 63,066 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,747 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

87.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 2.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 88 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 5,284 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 787 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 232,906 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...