Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 85 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-4:46 hapon ng Biyernes (September 25).

May lalim na 25 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...